
Going strong pa rin ang vloggers na sina Baninay Bautista at Bont Bryan Oropel a.k.a Master Hokage nang makapanayam ng mga dabarkad sa "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga, ngayong araw February 12.
Three years in a relationship na ang dalawa, pero noong February 2021, umamin noon si Baninay sa kanyang vlog na nagkahiwalay na sila ni Bont.
Ngunit matapos ang isang buwan, nagkabalikan din silang dalawa.
Sa panayam kay Baninay sa Eat Bulaga, marami pa rin daw siya nadi-discover kay Bont at ramdam pa rin ang kilig sa kanilang relationship.
Aniya, “Opo! Halos every day meron pa rin, may nalalaman pa rin ako mga bagay sa kanya. May little surprises every monthsary.”
Dagdag niya, “Mas masipag pa pala siya kesa sa akin, akala ko dati ako 'yung [masipag]. Ngayon po nakatira na kami sa isang bahay. Kalilipat lang namin, mas masipag pa pala siya sa akin.”
Sinabi rin mismo ni Bont Bryan na nag-iipon na sila para mag-settle down at sa kanyang Valentine's message sinabi ng tinaguriang Master Hokage na nakikita niya na magpapakasal sila ng kanyang girlfriend.
Sabi ng vlogger, “Mamahaliin kita habang buhay, tsaka wait ka lang, papakasalan din kita soon.”
Source: baninaybautista (IG)
Dahil sa career nila bilang social media personalities, binago rin daw nilang dalawa, kung anu-ano ang kanilang ibabahagi o ikukuwento sa publiko.
Paliwanag ni Baninay, “Dati po kasi medyo over sharer po ako sa social media, kahit mga away namin, kahit tampuhan. Ngayon po kasi, mas pinipili ko lang na ayusin namin dalawa, kesa sa malaman pa ng iba, ma-stress pa sila, lalo na 'yung mga family po namin.”
May mahigit sa 1.84 million subscribers na si Baninay Bautista sa YouTube at may 1.77 subscribers naman ang channel ni Bont Bryan Oropel.