
Naghahatid ngayon ng good vibes sa TikTok ang ilang nakaaaaliw na eksena nina Ken Chan at Rita Daniela bilang sina Boyet at Aubrey sa 2018 Kapuso series na My Special Tatay.
Binalikan ng mga manonood ang away-bati na eksena nina Boyet na may mild intellectual disability at kanyang mainitin ang ulo na asawa na si Aubrey.
Uploaded ngayon sa TikTok ang mga funny eksena ng dalawa na bentang-benta pa rin hanggang ngayon sa netizens. Ang batuhan ng linya ng mainitin ang ulo na si Aubrey at ang inosente na si Boyet huling-huli ang kiliti ng mga manonood. Sa katunayan, ang isang video kung saan ang eksena ay lumipat na ng tirahan ang mag-asawa, umabot na ng mahigit 7 million views sa TikTok.
Panoorin ang video dito:
@rordinasoarr HAHAHAHAHAHAHA IKAW BA #bobrey #ritadaniela #ritken #kenchan #fyp #foryoupage ♬ original sound - choi
Ayon pa sa ilang netizens, nabubuo raw ang kanilang araw dahil sa good vibes na hatid ng tambalan nina Ken at Rita.
"Ang galing ng tambalan na ito haha nakakatuwa very natural ang acting," sulat ng isang netizen sa comments section ng video.
May ilan pa na humihiling ng season 2 ng series. Komento ng isang netizen," Sana may season 2 ito...haha ang cute ni boyet."
Ang isa naman,"Itong couple na ito hindi ako nagsasawa. Sana magkaroon ng part 2."
Bukod sa good vibes, may ilang kilig videos rin sina Boyet at Aubrey na swak ngayong buwan ng pag-ibig. Ang video na ito, umabot na rin ng mahigit 5 million views sa TikTok.
@rordinasoarr HAHAHAHA#ritadaniela #fyp #foryoupage #bobrey #FYP #kenchan #ritken ♬ original sound - choi
Kamakailan ay bumida sa kanilang unang pelikula ng magkasama sina Ken at Rita sa 2021 Metro Manila Film Festival movie na Huling Ulan Sa Tag-Araw. Huli ring napanood ang dalawa sa GMA Afternoon series na Ang Dalawang Ikaw at sa The Clash season 4 bilang journey hosts.
Balikan naman ang kilig photos ng RitKen sa gallery na ito: