GMA Logo Carlos Agassi and Sarina Yamamoto
What's Hot

Carlos Agassi at kanyang girlfriend, nagkakilala sa isang dating app

By Jimboy Napoles
Published February 15, 2022 7:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile votes in presidential race expected to lurch country to the right
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Carlos Agassi and Sarina Yamamoto


Para sa mga gumagamit ng dating app, baka isang artista na rin ang ma-swipe right at makatuluyan mo!

Dalawang taon nang in-a-relationship ang hunk actor na si Carlos Agassi at ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Sarina Yamamoto.

Sa isang episode ng 'Bawal Judgemental' sa Eat Bulaga kung saan naging guest si Sarina, ibinahagi niya na sa isang dating app niya nakilala ang kanyang boyfriend na si Carlos.

Kuwento niya, "Akala ko talaga noong una poser yung account niya, so nag-swipe right ako para ma-confirm kung legit talaga 'yung account niya tapos ayun legit naman.

"Lumipat kami sa Instagram and [nakita ko na] verified 'yung account niya."

Matapos ang isang linggo na pag-uusap online ay nagdesisyon nang magkita sa personal sina Sarina at Carlos at dito na raw sila na-love at first sight sa isa't isa.

"'Nung nakita ko siya [Sarina Yamamoto] sabi ko 'Wow ang ganda niya' tapos when we started talking ang bait niya and then 'yun parang love at first sight," ani Carlos.

Nang maging officially taken na ang dalawa, binura na rin daw nila ang kanilang mga dating apps at si Sarina na rin ang nag-ma-manage ng applications sa cellphone ni Carlos.

Ibinahagi naman ng aktor kung bakit niya napiling gumamit ng dating app kahit bihira lang ang mga artista na gumagamit nito.

Aniya, "As a person kasi 'di ba 'yung work natin sa showbiz lagi kang nasa harap ng tao, nasanay ako sa commercials, sa pag-aartista, pag-ho-host, acting, but 'yung me talaga na mula grade school hanggang high school loner talaga ako, mahilig ako mag-isa, mahiyain ako, wala akong confidence.

"Naiilang din ako makipag-date kasi syempre maraming nakatingin sa 'yo , maraming mga mata, so triny ko 'yung app."

Handa naman daw ang dalawa kung mag-le-level-up pa ang kanilang relationship status.
Panoorin ang kilig video at masayang kulitan nina Carlos at Sarina sa Eat Bulaga, DITO:

Mapapanood ang Eat Bulaga, Lunes hanggang Sabado, 12 p.m. sa GMA.

Samantala, silipin naman ang ilang mga celebrities na umalma sa kanilang fake
social media accounts sa gallery na ito.