What's Hot

Korean stars Park Min-young at Song Kang, nais makita ang Pinoy fans

By Jimboy Napoles
Published February 16, 2022 11:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

16k cybercrimes logged since 2024 due to Pinoys' increased awareness – CICC
Travelers flock at terminals on Christmas Eve
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

park min-young and song kang


May sorpresa ang Korean superstars na sina Park Min-young at Song Kang para sa kanilang Filipino fans.

Nagsimula nang magpakilig ngayong buwan ng pag-ibig ang Korean superstars na sina Park Min-young at Song Kang sa kanilang Netflix K-drama series na Forecasting Love and Weather, na sumorpresa sa marami nilang Filipino fans.

Sa panayam ni Aubrey Carampel sa Korean stars para sa 24 Oras, nagpasalamat ang dalawa sa pagsuporta ng mga pinoy sa kanilang team-up at sa mainit na pagtanggap sa bago nilang series.

"To all our Filipino fans, we would like to see you soon in person," ani Min-young.

Napanood na sa Min-young sa ilang mga K-dramas na ipinalabas na sa GMA tulad ng Healer, Her Private Life, at When the Weather is Fine, kung saan naging matagumpay ang kanyang pagganap kasama ang iba't ibang oppa.

Inamin din ng fast-rising Korean heartthrob na si Song Kang na nais niyang makabisita sa Pilipinas.

Aniya, "I love the Philippines too. I haven't had a chance to be there once but if I do, I'm going to go right there so I hope to see you soon."

Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang ilang Korean stars na napamahal na sa Pilipinas at itinuturing na itong kanilang pangalawang tahanan.