
Handa nang maghatid ng tuwa at kilig tuwing umaga sina Darrel at Arriane ng Korean romantic-comedy series na Backstreet Rookie.
Pinagbibidahan ito ng apat na mahuhusay at kilalang South Korean stars na sina Kim You-jung (Arriane), Do Sang-woo (Aldrin), Han Sun-hwa (Aubrey), at Ji Chang-wook (Darrel).
Magsisimula ang kuwento ng Backstreet Rookie sa pagpapasya ni Darrel na akuin ang pagkakamali na nagawa ng kanyang girlfriend na si Aubrey. Dahil dito, nagpokus siya sa kanyang convenience store pero nahirapan siyang palakasin ang benta nito.
Papasok naman bilang isang part-time worker si Arriane sa convenience store ni Darrel dahil nalaman niya na nangangailangan ng empleyado ang huli. Matagal na ring mayroong pagtingin si Arriane kay Darrel dahil sa kanilang mga nakaraang pagtatagpo.
Hindi alam ni Arriane na may nobya si Darrel. Gayunpaman, patuloy pa rin niyang tinulungan si Darrel sa pagpapalago ng kanyang negosyo. Dahil dito, tila maiinggit si Aubrey kay Arriane dahil sa pagiging maganda at malapit nito sa kanyang boyfriend.
May pag-asa kayang may mabuong pagmamahalan sa pagitan nina Darrel at Arriane? O mas mananaig ang pag-ibig ni Darrel kay Aubrey?
Tutok na sa Backstreet Rookie simula ngayong Lunes, 11:30 a.m., sa GMA bago ang Eat Bulaga.
Samatala, kilalanin ang South Korean heartthrob na si Ji Chang-wook sa gallery na ito.