
Makabuluhang mensahe at payo ang ipinarating ni Ana Feleo sa mga nais makasali sa Sparkle Prime Workshop.
Ang Sparkle Prime Workshop ay ang acting workshop na pangungunahan ni Ana Feleo. Siya ay tatayo bilang head teacher sa iba't ibang courses na sisimulan na ngayong March 2022.
Photo source: Sparkle
Payo ng headteacher ng Sparkle Prime Workshop, “Sa mga nagdadalawang-isip pero interested, the more na nagdadalawang-isip ka, the more this is for you. Because you hear the call, you know you need it, so you should jump.”
Ayon pa kay Ana, makatutulong workshop na ito para mag-improve at matuto sa iba't ibang aspeto ng pag-arte.
Saad niya, “The workshop will help you find your confidence, find your voice again if you've lost it. The workshop will be there to find your voice.
“The workshop will be there if you have a hard time accepting who you are, accepting your weaknesses, and your strengths. This is for you."
Layunin din umano ng workshop na mailabas ang natatagong galing, tapang ng participants. Gayundin, sa pamamagitan ng workshop makikita ang improvement sa pakikitungo nila sa iba't ibang tao.
Paliwang ni Ana, “If you have a hard time, if you're being bullied, if parang hindi ka pinapansin, if hindi nagpa-pop out 'yung personality mo, this is for you."
Dugtong pa niya, “You need this at school, you need this at work, and you need this to be able to strengthen your relationships.”
Sa huli, sinabi ng head teacher ng Sparkle Prime Workshop na ang pagdadalawang-isip ay isang calling na dapat bigyang pansin ng isang tao.
Saad ni Ana, "So if nagdadalawang-isip ka but you hear the calling, all the more you should go. Go for this. This will change you."
Si Ana ay nag-training sa tulong ng kaniyang mga magulang na sina Direk Laurice Guillen and Johnny Delgado. Nagpatuloy ang kaniyang pag-aaral sa New York-based acting coach na si Anthony Vincent Bova.
Kilala rin si Ana ngayon sa entertainment industry bilang accredited acting facilitator of the renowned Eric Morris System. Bukod sa pagtuturo sa mga Kapuso stars, tinuturuan rin ni Ana ang iba't ibang mga personalidad sa bansa mula ibang TV networks at production companies.
Samantala, alamin ang acting workshop experience ng Sparkle's Brightest Stars of 2022: