
Bukod sa patuloy na ipinamamalas niyang husay sa pag-arte, nakikilala rin ang First Lady actress na si Sanya Lopez sa kaniyang trending videos sa TikTok.
Sa katunayan, isa si Sanya sa celebrities na nominado sa 2021 Village Pipol Choice Awards o VPCA.
Isa ang Kapuso actress sa anim na personalidad na napili para sa TikTok Star of the Year category.
Kabilang din si Sanya sa Top 10 most followed content creators sa Pilipinas noong 2021.
Ilang dance videos kasi ng aktres ang humahakot ngayon ng milyon-milyong views sa naturang video sharing app dahil sa mga kakaibang content na ina-upload nito sa kaniyang TikTok account.
Mapapanood dito ang ilang sexy dance covers ni Sanya na patuloy na kinagigiliwan ng kaniyang fans at followers.
Congratulations, Kapuso!
Samantala, tingnan most memorable TV roles ni Sanya Lopez sa gallery na ito: