
Tampok ngayong Sabado sa "Kasambahay" episode ng Wish Ko Lang ang naranasang pang-aabuso ng mag-inang Tinay at Rona mula sa kanilang amo sa Maynila. Binibigyang buhay nina Manilyn Reynes at Rere Madrid ang kuwentong ito.
Sa pag-aakalang ang pagiging kasambahay sa Maynila ang mag-aahon sa kanila sa kahirapan, agad na tinanggap ni Tinay (Manilyn Reynes) ang alok na trabaho ni Susan (Gilleth Sandico).
Isinama rin ni Tinay ang anak na si Rona (Rere Madrid) sa Maynila sa pag-aasam na matutulungan ito ni Susan na gumaling mula sa sakit nito.
Walang kamalay-malay ang mag-ina na ang pagpasok nila sa mansyon ang magiging bangungot nila. Makakaligtas pa kaya mula sa pang-aabuso sina Tinay at Rona mula kay Susan at sa anak nitong si Kokoy (Lance Serrano) na dating pulis?
Huwag palampasin ang kaabang-abang na mga tagpo ngayong Sabado, March 5, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
Samantala, tingnan ang magagandang larawan ni Sparkle star Rere Madrid sa gallery na ito: