
Kasunod ng official announcement na pagbibidahan nina Alden Richards at Bea Alonzo ang local adaptation ng hit Korean series na Start-Up, mas nagiging komportable pa sila sa isa't isa dahil magkasama rin sila sa iba pang mga proyekto.
Bukod sa kilala sina Alden at Bea sa kanilang husay sa pag-arte sa entertainment industry, namamayagpag din ang kanilang mga pangalan sa mundo ng advertising.
Sa pinakabagong commercial ng produktong Century Tuna, muling nagkasama ang Kapsuo prime actors.
Kapansin-pansin na pagiging fit at fabulous ni Bea habang suot ang kanyang workout outfit.
Samantala,si Asia's Multimedia Star Alden ay hot na hot ang aura habang ipinapakita ang kanyang healthy body, lalo na ang kanyang abs.
Sa behind-the-scenes video na ibinahagi ng Sparkle sa Instagram, pinatunayan ni Alden na hindi nagkamali ang management ng proyektong kanyang ine-endorso sa pagkuha sa kanya.
Unang nagkasama sina Alden Richards at Bea Alonzo sa isang hair product commercial na labis na kinakiligan ng netizens at ng kanilang fans.
Abangan ang nalalapit na natatanging pagganap nina Alden at Bea sa Philippine adaptation ng Start-Up na ipalalabas sa GMA Telebabad.
Samantala, tingnan ang career highlights ni Alden Richards sa gallery na ito: