What's Hot

Khalil Ramos, ipinaliwanag kung bakit therapeutic ang pagsali sa acting workshop

By Maine Aquino
Published March 8, 2022 4:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi (December 20, 2025) | GMA Integrated News
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Khalil Ramos


Alamin ang experience ni Khalil Ramos sa pagsali sa acting workshops at kung anu-ano ang mga nadiskubre niya sa kaniyang sarili.

Inilahad ni Khalil Ramos kung ano ang tulong na naibigay ng acting workshops sa kaniyang career at sa personal na buhay.

Sa YouTube channel ng Sparkle ay ibinahagi ng talented Kapuso actor ang kaniyang experience sa pagsali sa acting workshop.

Saad ni Khalil, ang acting workshops ay naging paraan para madiskubre niya ang kaniyang sarili.

"Every session sa workshop, you discover something about yourself, maliit man o malaki.

Pinaliwanag pa ng aktor ang mga natutunan niya sa acting workshops.

Khalil Ramos

Photo source: khalilramos

"I would often describe acting workshops as also very therapeutic. Hindi lang siya uupo ka tapos aarte ka. You learn so much about your life, your strengths, your weaknesses. You learn so much about life, how you should approach life, and your lifestyle."

Tulad ng ibang mga aktor ay nakaranas din ng blocks si Khalil sa pag-arte. Dito, nakita ni Khalil ang halaga ng acting workshops para makapag-perform nag maayos sa iba't ibang projects. Pahayag ni Khalil, "For you to be able to showcase your true talent, you have to be free from your insecurities. You have to just focus on the instinct. Focus on the material and focus on storytelling. That's actually the purpose and nothing else."

Para kay Khalil, malaking tulong ang acting workshops tulad ng nalalapit na Sparkle Prime Workshop sa mga aktor na gustong matuto at hubugin ang talento sa pag-arte.

Kuwento ni Khalil, "Workshops are essential for all actors. You should never ever ever stop learning. Yung skill 'wag mong i-limit sa huli mo lang na nagawa. Be hungry for learning."

Ang acting workshops ay nakatulong din sa iba't ibang larangan na gustong paghusayan pa ni Khalil.

"Na-apply ko siya hindi lang sa acting but to my pursuit of 'yung storytelling, writing, content creation na lagi kong gustong mag-improve, lagi kong gustong matuto at makisabay sa mga bagong platforms. It became a lifestyle."

Saad pa ng aktor, nirerekomenda niya ang acting workshops dahil ito ay epektibo at hindi dapat ma-intimidate ang mga aspiring actors sa pagsali dito.

"I highly recommend actors to join the workshop. It's very safe, very effective, hindi siya intimidating at all so I suggest workshop din kayo."

Samantala, alamin ang career milestones ng Kapuso actor na si Khalil