
Ramdam ang lungkot at pangungulila sa Instagram post ng dating Startalk host at manager na si Manay Lolit Solis nang alalahanin niya ang kaibigang si Ricky Lo.
Matatandaan na pumanaw sa edad na 75 ang seasoned entertainment columnist at writer noong May 4, 2021.
Ibinahagi ni Lolit na plano dalhin ang abo ni Ricky ng kanyang pamilya sa probinsya ng Samar.
Kuwento ng veteran showbiz writer, “Bigla pumasok sa utak ko si Ricky Lo, Salve. Siguro dahil malapit na birthday niya, April 21, at one year anniversary ng death niya kaya bigla na-remember ko siya. After Ricky Lo's birthday pala iuuwi ang ashes niya para ilibing sa family mausoleum nila sa Samar.
“Doon niya gusto ilibing kaya iyon ang gagawin nila Susan, Kimberly at Jia after his birthday this year. Tuwing may pumuputok na malaking balita sa showbiz, bigla naaalala mo ang pangalang Ricky Lo dahil pagdating sa scoop siya na ang pinaka reliable na magbalita nito.”
May nakakatuwa ring kuwento si Manay Lolit tungkol kay Ricky na tulad niya ay mahilig sa self-medication.
Pagbabalik-tanaw niya, “Naalala ko din siya dahil I was feeling a little bit low last night, eh dahil neighbors kami, kadalasan 'pag feeling maysakit kami, iyon isa't isa ang una namin tinatawagan dahil pareho kaming mahilig sa self medication.
“Ang hilig namin magbigay ng mga reseta na binigay sa amin ng doctor, na feeling namin ay pareho lang naman, kaya kung ok sa isa, Ok din sa iyo, hah hah hah.”
Pagpapatuloy ni Lolit, “Naku emo moments na naman ang mga nararamdaman ko, dahil siguro nga, 75 na ako sa May, mahilig na ako sa flashback. Hay naku, pagbigyan nyo na ako, paminsan minsan lang naman. Memories #classiclolita”
Ating alalahanin at sariwain ang memorya ng celebrities at sikat na personalidad na pumanaw noong 2021 sa gallery na ito: