GMA Logo Jay Arcilla Ex-girlfriend
What's Hot

Jay Arcilla, naluha nang amining hindi pa raw siya nakakamove-on sa ex-girlfriend niyang Kapuso star

Published March 11, 2022 2:17 PM PHT
Updated March 11, 2022 2:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipino teachers face visa delays as US expands social media checks
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

Jay Arcilla Ex-girlfriend


Nauwi sa hiwalayan ang six years na relasyon ng Kapuso hunk na si Jay Arcilla at ng isang Kapuso star. Alamin kung bakit naluha ang aktor habang ikinukuwento ito sa 'Mars Pa More.'

Kahit pa isang taon na ang nakalipas mula ng sila'y magkahiwalay, umaasa pa rin si Jay Arcilla na sila'y magkakabalikan ng kanyang ex-girlfriend for six years. 'Yan ang naluluha niyang inihayag sa isang episode ng Mars Pa More.

“Everytime na naalala ko 'yung memories namin together, ayun 'yung pinaka masakit” ayon sa aktor nang mapag-usapan ang tungkol sa malungkot na sinapit ng kanyang relasyon.

Tinanong din ni Mars Camille Prats kung wala na ba talagang pag-asa na sila'y magkaayos pa muli. “Waiting lang siguro...depende sa panahon,” sagot ng Kapuso hunk.

Agad-agad naman itong sinundan ng mga tanong ni Kuya Kim Atienza hanggang sa dito na naging emosyonal at naluha ang aktor habang ikinukuwento ang muli nilang pagkikita ng kanyang ex-girlfriend sa isang event.

“Nagkita lang kami twice… sa labas [event] noong una hindi kami nagpapansinan, pero nung pangalawang time na nakita ko siya… kinausap ko na siya,” kuwento ni Jay.

Sa huli, tinanong siya ni Kuya Kim, “Ano'ng gusto mong sabihin sa kanya?”

Ayon kay Jay Arcilla, “Sana ano… [ang] hirap… I'm happy for you”

Hindi na nagawang ikuwento pa ng Kapuso hunk ang dahilan ng kanilang hiwalayan pero aniya--isa sa ipinagdarasal ng aktor ay ang magkaayos silang dalawa at kung mamarapatin ng tadhana, sana raw sila'y magkabalikan sa tamang panahon.

Natapos ang kuwentuhan sa tawanan nang mapansin ni Jay Arcilla na ngayon lamang siya naging emosyonal at naiyak pa sa Mars Pa More guesting niya!

“Mas okay ata kung magluto na lang ako ulit… luto-luto na lang” pahabol na biro ng Kapuso actor.

Jay Arcilla

Noong 2015, nakilala si Jay Arcilla sa 'That's My Bae' ng Eat Bulaga at sa kaparehong taon, siya'y naging StarStruck Season 6 contestant sa GMA Network kasabay nina Kapuso stars Ayra Mariano, Arra San Agustin, at Migo Adacer.

Samantala, kilalanin ang mga male celebrities na nagsimula sa Eat Bulaga: