
Malapit nang mapapanood sa GMA ang Korean romantic-comedy series na One The Woman.
Pagbibidahan nina Miss Universe 2007 3rd Runner-up Lee Ha-nee (Julie/Mina), VIP actor Lee Sang-yoon (Steve), Jin Seo-yeon (Vicky), at Lee Won-geun (Kevin) ang seryeng ito.
Tuluyang binago ng isang aksidente ang buhay ng isang palabang prosecutor na si Julie matapos na magising na tinatawag na siyang Mina ng lahat.
Si Mina ang bunsong anak ng Yumin Group at ikalawang manugang ng Han Family, na nagmamay-ari sa Hanju Group. Dahil anak sa labas, hindi maganda ang trato ng parehong pamilya kay Mina.
Pero nagbago ito simula nang tumira si Julie sa pamilya ng Han bilang si Mina. Hindi siya pumayag na apihin at unti-unting ibinunyag ang lihim na itinatago ng pamilya.
Ano kayang sikreto ang matutuklasan nina Julie at Mina sa pamilya ng Han?
Abangan ang One The Woman sa GMA Telebabad.
Samantala, tingnan ang top Korean entertainment stories noong 2021 sa gallery na ito: