GMA Logo Backstreet Rookie
What's Hot

Backstreet Rookie: Nakilala na nina Arriane at Aubrey ang isa't isa

By Dianne Mariano
Published March 15, 2022 10:03 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD warns vs fake online surveys promising rewards from DSWD
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Backstreet Rookie


Matapos ang isang insidente, nagkakilala na sina Arriane (Kim You-jung) at ang nobya ni Darrel (Ji Chang-wook) na si Aubrey (Han Sun-hwa).

Sa ikalawang linggo ng Backstreet Rookie, tinulungan ni Arriane (Kim You-jung) si Aubrey (Han Sun-hwa) laban sa mga babaeng nais mang-hold up sa kanya sa loob ng banyo. Labis na nagulat si Darrel (Ji Chang-wook) nang talunin ni Arriane mag-isa ang mga masasamang natangkang saktan ang kanyang nobya.

Dahil sa pangyayaring ito, nakilala na nina Aubrey at Arriane ang isa't isa.

Nang dahil naman sa kalasingan, iniisip ni Arriane kung sino si Papi na naging bagong crush ng kanyang barkada at naalala ng dalaga na ito ay ang artista at dati niyang kaibigan na si Lander. Habang nasa pulisya, tinulungan ni Darrel si Arriane matapos itong masangkot sa isang insidente.

Nagulat naman si Aubrey nang makita na magkasama sina Darrel at Arriane sa loob ng convenience store at naka-piggy back ride pa ang dalaga sa nobyo ng una habang may hawak na mga bulaklak.

Napag-usapan nina Darrel at Arriane ang tungkol sa limitasyon ng bawat isa matapos ang nangyari sa dinner nilang tatlo kasama si Aubrey. Nakaramdam naman ng kalungkutan si Darrel matapos niyang masaksihan na nagpakarga si Aubrey kay Aldrin (Do Sang-woo) habang lunod ito sa alak.

Patuloy na subaybayan ang Backstreet Rookie tuwing Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m., sa GMA bago ang Eat Bulaga.

Balikan ang mga eksena sa Backstreet Rookie dito.

Backstreet Rookie: Darrel was taken aback | Episode 6

Backstreet Rookie: Papi came back! | Episode 7

Backstreet Rookie: Arriane and Darrel were caught! | Episode 8

Backstreet Rookie: Setting the boundaries | Episode 9

Backstreet Rookie: Aubrey's piggyback ride with another man | Episode 10

Samantala, kilalanin pa si Ji Chang-wook sa gallery na ito.