
Handa na ang buong team ng bagong Kapuso serye na Bolera para sa nalalapit na pag-ere nito.
Ipinasilip ni Gie Stillman, na ibinahagi rin ni Kylie Padilla sa Instagram, ang ilan sa behind-the-scenes ng cast sa set.
Makikita sa video ang ilan sa mga eksena nina Kylie, Rayver Cruz, Gardo Versoza, at Klea Pineda habang naglalaro ng billiards.
Makakasama rin ni Kylie sa seryeng ito sina Jak Roberto, Joey Marquez, Jaclyn Jose, at Al Tantay.
Noong nakaraang linggo, excited na ibinahagi ni Kylie ang pagbisita sa set ng Bolera ng ilan sa mga hinahangaang manlalaro ng billiards na sina Efren “Bata” Reyes, Francisco “Django” Bustamante, Rubilen “Bingkay” Amit, at Johann “Bad Koi” Gonzales Chua.
Ayon kay Kylie, hindi pa rin siya makapaniwala na nakasama at nakalaro niya ang billiards legends at masters ng bansa.
"Still feels unreal. Definitely made 2022 magic. Like I said. 2022 is my year," sulat ni Kylie.
Abangan ang Bolera soon sa GMA Telebabad.
Samantala, tingnan ang ilang mga larawang kuha sa set ng Bolera kasama sina Efren Reyes, Francisco Bustamante, Rubilen Amit, at Johann Chua sa gallery na ito: