Bagong billboard ng brightest stars of Sparkle, ikinatuwa ng fans
Matatagpuan sa Timog-EDSA area ng GMA Network building ang bagong billboard ng brightest stars of Sparkle.
Kabilang sa billboard na ito sina Gabbi Garcia, Julie Anne San Jose, Heart Evangelista, Alden Richards, Barbie Forteza, at Ruru Madrid. Kasama rin dito sina Derrick Monasterio, Ken Chan, Bianca Umali, Sanya Lopez, Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix, at Khalil Ramos.
Photo source: Sparkle
Ikinatuwa naman ng fans ng Sparkle stars na makita nila ang kanilang mga iniidolo sa billboard. Kaya naman nag-comment ang mga ito sa Instagram post ng pangalan ng kani-kanilang Kapuso idols.
Photo source: Instagram
Ngayong 2022 magkakasunod na ni-launch ng Sparkle ang kanilang bagong handog sa mga fans, ang Sparkle's Next Brightest Stars of 2022 at Sparkle Sweethearts.
Ang Sparkle's Next Brightest Stars ay binubuo nina Bianca Umali, Ysabel Ortega, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Khalil Ramos, Derrick Monasterio, Miguel Tanfelix, at Ruru Madrid.
Ang Sparkle Sweethearts na ni-launch ngayong February 2022 ay sina Kyline Alcantara and Mavy Legaspi, Sofia Pablo and Allen Ansay, Althea Ablan and Bruce Roeland, Shayne Sava and Abdul Raman, and Zonia Mejia and Jamir Zabarte.
Abangan ang iba pang mga exciting na mga sorpresang handog ng Sparkle ngayong 2022.
Samantala, balikan ang naging workshop experience ng Sparkle's brightest stars of 2022 sa gallery na ito: