GMA Logo Alden Richards
What's Hot

Alden Richards's topless video hits 1M views

By EJ Chua
Published March 19, 2022 11:12 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards


Napanood niyo na ba ang trending Instagram video ni Alden Richards?

Perfect ngayong summer season ang latest video na in-upload ng Asia's Multimedia Star na si Alden Richards sa kanyang Instagram account.

Mapapanood kasi sa video na hot na hot si Alden habang topless na naglalakad sa isang napakagandang beach.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 1 million views at mayroon nang mahigit 132,000 likes ang naturang video ni Alden.

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)

At gaya ng inaasahan, muling nakatanggap si Alden ng paghanga mula sa napakaraming netizens.

Ilang fans at followers ng Kapuso actor ang nagpaabot ng kanilang positive comments.

Ayon sa netizen na si eyvhon143, “Kainis naman 'to. Kinikilig ako sa tingin mo bae [heart emojis].”

“Grabe nga naman 'yun Sir! Naku walk with abs challenge daw oh,” komento ni kczabina28.

Sabi naman ni minetski2003, “This made my day or puwede rin my week [heart emojis].”

Ayon naman kay Icdelaros_zia, “Super init na Alden [heart emojis].”

Ang netizen naman na si karyllecabugatarnss, tila napaamin pa sa comment section tungkol sa mahabang panahong paghanga sa Asia's Multimedia Star, “Arghhh! Kaya hindi ako nagsisisi na naging crush na kita kahit 10 years old pa lang ako noon e. Tapos ngayong 20 na ako, still same feeling pa rin [heart emojis].”

Ang ibang netizens naman ay pinuno ang comment section ng heart at fire emojis.

Bukod sa trending video ni Alden, pinag-uusapan na rin ng ilang netizens ang paglabas ng aktor sa local adaptation ng hit Korean series na Start-Up kung saan makakatrabaho niya ang Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Samantala, tingnan ang astig looks ni Alden Richards sa gallery na ito: