
Nakiisa si Bea Alonzo sa comprehensive election coverage at advocacy ng GMA Network na "Dapat Totoo" para sa eleksyon ngayong 2022.
Kasama ni Bea sa adbokasiya na ito ang maraming Kapuso stars kabilang na ang celebrity couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Layunin ng comprehensive election advocacy na ito na magkaroon ng mapayapa, malinis, at tapat na halalan sa May 2022.
Sa isang report sa 24 Oras, ibinahagi ni Bea na mahalagang hikayatin ang mga Pilipino na maging matalino sa kanilang desisyon sa pagboto.
Aniya, "It feels good and I'm so happy that GMA is actually doing this they're being proactive ngayong election.
"Dahil sa tingin ko may responsibilidad tayo na i-encourage ang bawat Pilipino bilang mga botante na magkaroon ng well informed decision sa May 9."
Dagdag pa niya, "Maganda na ine-encourage natin ang bawat botante na maging totoo sa kanilang sarili, maging totoo sa pagdedesisyon nila, maging totoo para sa ating bansa."
Samantala, fresh mula sa kanyang week-long travel sa Madrid, Spain, kasado na ngayon si Bea para sa kanyang mga proyekto gaya ng pelikulang pagbibidahan kasama si Alden Richards at ang kanilang first Kapuso serye na Philippine adaptation ng hit Korean series na Start-Up.
Silipin naman ang mga larawan ng naging pagbisita ni Bea sa Madrid, Spain sa gallery na ito.