GMA Logo Mavy Legaspi
What's Hot

Mavy Legaspi, gustong sumabak sa action series at fantaserye?

By Aimee Anoc
Published March 24, 2022 5:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Mavy Legaspi


Isa sa mga pangarap ni Mavy Legaspi bilang isang aktor ay ang mapasama sa isang action series at fantaserye.

Excited na si Mavy Legaspi na maipakita ang improvement niya bilang isang aktor sa mga susunod na proyekto sa GMA.

Sa isang press interview, confident na sinabi ni Mavy na marami pang dapat na abangan sa kanya ang mga manonood.Ayon sa aktor, isa sa mga goal niya ngayong taon ay ang patunayan na kaya pa niyang mag-level up at mag-improve matapos ang unang serye na I Left My Heart in Sorsogon.

Mavy Legaspi

"To prove to people na there still more coming from me, most especially from such a big show I Left My Heart in Sorsogon. Gusto kong patunayan na it just doesn't stop from there," sabi niya.

Ibinahagi rin ni Mavy ang pangarap na mapasama sa isang action series at fantaserye. Aniya, ito ang pinakagusto niyang gawin bilang isang aktor.

"Definitely, action at fantaserye. Iyan 'yung pinakagusto ko but right now what's in my heart I really wanna do a drama," pagbabahagi niya.

Dagdag ni Mavy, "Because before I Left My Heart in Sorsogon nagpe-prepare kami ni Kyline through workshops, and pinush kami during that time na puro iyak tapos nakita ko naman na I was able to do it. Nae-enjoy ko 'yung batuhan ng linya with Kyline [Alcantara] pagdating sa drama."

Samantala, mas kilalanin pa ang Sparkle actor na si Mavy Legaspi sa gallery na ito: