
Noong Martes, March 22, inilabas na ang GMA Network ng unang teaser ng bagong serye nina Aiai Delas Alas at Shayne Sava na Raising Mamay.
Heartwarming ang tema ng 30-second teaser kung saan ipinapakita ang mga karakter nina Aiai at Shayne na sina Letty at Abigail na tinitingnan ang kanilang mga larawan.
Mag-ina sila sa Raising Mamay pero tila nagpalit ang kanilang roles matapos magpakilala si Abigail bilang anak ni Letty na kung tawagin ng dalaga ay Mamay.
Ayon sa isang netizen, swak ang Comedy Queen para sa kanyang role sa upcoming drama.
Itinatampok din sa Raising Mamay ang pagbabalik-tambalan nina Shayne at Abdul Raman na lubos na kinagiliwan sa Legal Wives.
Naniniwala ang ilang netizens na ito ang first big break ng baguhang aktres matapos manalo sa StarStruck Season 7.
Umuwi ng Pilipinas si Aiai mula Amerika, kung saan siya legal resident, para sa taping ng Raising Mamay na mula sa direksyon ni Don Michael Perez. Nakatakdang bumalik ng U.S. ang aktres pagkatapos ng produksyon ng bago niyang TV project.
Bago lumipad ng Amerika noong huling parte ng 2021, napanood si Aiai bilang judge ng GMA musical competition na The Clash.
Bago pa man mapanood ang muling pagganap ni Aiai bilang ina on-screen, balikan ang mga natatangi niyang palabas sa telebisyon bilang Kapuso: