Barbie Forteza, gustong makatrabaho ulit si Rob Gomez
Masaya daw si Kapuso actress Barbie Forteza sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa tambalan nila ng aktor na si Rob Gomez.
Nagkapares sila for the first time sa katatapos lang na GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: The Family Fortune.
"Nakakatuwa dahil first time namin magkatrabaho. And based sa social media, marami namang natuwa sa aming dalawa kaya naman nagpapasalamat kami sa lahat ng sumuporta sa amin sa Mano Po Legacy: The Family Fortune," pahayag ni Barbie.
Dahil isang mini-series ang kanilang serye, maikli lang ang panahon na nagkatrabaho sila. Gayunpaman, gusto daw ni Barbie na makatrabaho muli si Rob.
"Oo naman, siyempre, oo. Masaya ka work si Rob--makulit, matsika. Kaya kahit na sandali lang 'yung pagwo-work namin together, kahit papano nakilala naman namin ang isa't isa," papuri niya sa kanyang former leading man.
Ano naman kayang proyekto ang nais niyang muling pagtambalan nila ni Rob?
"Well, pagka tinatanong siya, ang gusto niya action [movie or series]. Pero jusko, ako pa ba ang mag-a-action? Romcom lang muna para light, sweet," lahad ng aktres.
Kamakailan, isang personal achievement ang ibinahagi ni Barbie sa publiko. Marunong na kasing magmaneho ang 24-year-old actress matapos mag-enroll sa isang kilalang driving school.
"I feel more independent and nararamdaman ko na talagang tumatanda na ako. Hindi na kailangnan palaging nandiyan ang daddy ko para ipag-drive ako. Siyempre may mga times na dapat ako na lang mag-isa, kaya ko naman," aniya.
Nagsisimula palang siyang magmaneho pero nais daw niyang maranasan ang isang solo drive patungong Tagaytay.
"Siguro 'yung pinaka realistic na gusto kong mapuntahan na ako ang mag-drive, Tagaytay. Gustung gusto kong pumunta doon--food trip tapos maganda 'yung weather," bahagi ni Barbie.
"Sana hindi ako antukin. Sana hindi traffic. 'Yun lang naman," pabirong dagdag ng aktres.
Bukod sa pag-aaral at pagpa-practice ng kanyang driving skills, naglalaan daw muna si Barbie ngayong ng oras para sa kanyang sarili at kanyang pamilya bago sumabak muli sa isang serye.
"For now, I will spend some time with my family again. Also with myself, na-enjoy ko ang 'me time' ko ngayon. But every now and then, yes, may work pa rin naman. You still see me sa All Out Sundays," ani Barbie.
Samantala, silipin ang red OOTDs ni Barbie sa gallery na ito: