GMA Logo Nathan Lopez
What's Hot

Wish Ko Lang: Nathan Lopez, kalbaryo ang daranasin sa kamay ng ama at nobyo

By Aimee Anoc
Published March 31, 2022 7:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robust consumer spending boosts US third-quarter economic growth
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Nathan Lopez


Abangan sina Nathan Lopez, Rochelle Barrameda, Mon Confiado, Kristoffer Martin, Yvette Sanchez, at Ychan Laurenz ngayong Sabado sa 'Wish Ko Lang.'

Ngayong Sabado, tampok sa "Kalbaryo" episode ng Wish Ko Lang ang buhay ng isang transwoman na si Miss Meggy at ang pagharap niya sa mapanghusgang mundo.

Simula nang ipaalam ni Jonjon (Nathan Lopez) ang tunay na pagkatao bilang si Miss Meggy, pambubugbog at masasakit na salita ang madalas na natatanggap niya mula sa amang si Jerry (Mon Confiado).

Halos araw-araw na pambabastos naman ang tinitiis niya sa construction site na pinagtatrabahuhan may pera lamang na maiuwi sa pamilya.

Pero mas titindi ang pagsubok na haharapin ni Miss Meggy sa pagdating ng inaakala niyang Prince Charming na si AJ (Kristoffer Martin).

Anong panibagong kalbaryo kaya ang daranasin ni Miss Meggy sa lalaking inaakala niyang tunay na magmamahal sa kaniya?

Makakasama rin sa "Kalbaryo" episode sina Rochelle Barrameda, Yvette Sanchez, at Ychan Laurenz.

Huwag palampasin ang maiinit na tagpo ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

Samantala, tingnan ang 10 most viewed episodes ng Wish Ko Lang noong 2021 sa gallery na ito: