GMA Logo Maricel Laxa
Photo source: mommymaricel (IG)
What's Hot

Maricel Laxa, grateful na mapabilang sa bagong Kapuso serye na 'Apoy sa Langit'

By Maine Aquino
Published April 1, 2022 6:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Maricel Laxa


Excited na si Maricel Laxa na ibahagi ang kuwento ng Kapuso Afternoon Prime show na 'Apoy sa Langit.'

Excited na ang aktres na si Maricel Laxa sa bagong serye na kanyang pagbibidahan sa GMA Network.

Maricel Laxa

Photo source: @anthonypangilinan

Si Maricel ay mapapanood ngayong May 2022 sa GMA Afternoon Prime series na Apoy sa Langit. Gagampanan niya ang karakter ni Gemma na isang widowed jewelry designer.

Kuwento ni Maricel sa kanyang Instagram post, kasalukuyan siyang nasa lock-in taping ng Apoy sa Langit.

Saad niya, "Missing my family while locked in our Teleserye bubble."

Pag-amin pa ng Kapuso star, nagpapasalamat siya sa bagong proyekto na magbibigay sa kanya ng pagkakataon na mag-grow bilang isang aktres. Excited na rin si Maricel sa nalalapit na pag-ere nito sa telebisyon.

A post shared by Maricel Laxa-Pangilinan (@mommymaricel)

"Grateful for the opportunity to work and grow. Excited to share with you what we have been working on."

Makakasama ni Maricel sa Apoy sa Langit sina Zoren Legaspi, Mikee Quintos, at Lianne Valentin.

Kabilang rin sa cast ng Apoy sa Langit sina Ramon Christopher, Mariz Ricketts, Carlos Siguion-Reyna, Dave Bornea, Coleen Paz, Patricia Ismael, at Mio Maranan.

Ang Apoy sa Langit ay nasa ilalim ng direksyon ni Laurice Guillen.

Samantala, tingnan ang mga larawan ng pamilya ni Maricel Laxa sa gallery na ito: