What's Hot

GMA Network Muling Makikisaya sa Sangyaw Festival!

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 7, 2020 6:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 29, 2025
No Christmas family visit for Sarah Discaya, says BJMP
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Muli na namang makikisaya ang GMA Network sa taunang selebrasyon ng Sangyaw Festival sa tinaguriang bayside city ng Eastern Visayas—ang Tacloban. Ilan sa mga pinakasikat na Kapuso stars ang dadalo sa religious at socio-cultural na event na ito na kilala rin sa bansag na “Festival of Lights.”

Muli na namang makikisaya ang GMA Network sa taunang selebrasyon ng Sangyaw Festival sa tinaguriang bayside city ng Eastern Visayas—ang Tacloban. Ilan sa mga pinakasikat na Kapuso stars ang dadalo sa religious at socio-cultural na event na ito na kilala rin sa bansag na “Festival of Lights.”
 
Inabangan kahapon (June 25, 7:30PM) ng mga manonood mula sa Tacloban Astrodome ang “Bad Boy of the Dance Floor” na si Mark Herras, model-host turned actress na si Isabelle Daza, at Bb. Pilipinas-World 2006 na si Anna Maris Igpit para sa Miss Tacloban 2013—isang beauty search na naglalayon ring ikampanya ang rehabilitasyon ng Mangonbangon River.
Mamayang gabi (June 26, 7PM), tiyak na kikiligin ang mga Kapusong Taclobanons sa performance ng Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista para sa Balik-Tacloban Night (Balikbayan’s Night) na gaganapin sa Patio Victoria.
 
Magpapakitang gilas naman ang child sensation at youngest Kapuso host na si Ryzza Mae Dizon sa Kapuso Mall Show sa Robinson’s Place Tacloban sa Biyernes (June 28, 3PM). Kasama niyang magbibigay saya ang sexy model-actress na si Sam Pinto.
 
Bibisita rin sa tinaguriang “Light of the Eastern Visayas region” sa Sabado (June 29) ang cast ng GMA afternoon drama series na Maghihintay Pa Rin—Bianca King, Rafael Rosell, Dion Ignacio, and JC Tiuseco—para sa Parade of Lights ng 5:30PM at Kapuso Night sa Balyuan Ampitheater ng 9PM.
 
Samantala, mapapanood ang highlights ng Sangyaw Festival 2013 sa “Let’s Fiesta” na ipapalabas sa July 21 sa pamamagitan ng regional stations ng GMA Network sa Bicol, Cebu, Davao, Iloilo, Dagupan, Ilocos, GenSan, Bacolod, and CDO.