GMA Logo Olivia Rodrigo and BTS V at Grammy Awards 2022
Source: enews (Twitter)
What's Hot

Pinoy fans react to Olivia Rodrigo and BTS V's flirty moment at Grammy Awards 2022

By Jimboy Napoles
Published April 4, 2022 5:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 pulis, patay; 2 iba pa, sugatan sa engkuwentro laban sa armadong grupo sa Candelaria, Quezon
Ashley Rivera sizzles as the 2026 calendar girl of a local whisky brand
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Olivia Rodrigo and BTS V at Grammy Awards 2022


Mabilis na pinag-usapan online ang mga larawan nina Olivia Rodrigo at BTS member V sa Grammy Awards 2022.

Nabulabog ang maraming Pinoy fans sa viral photos ng pop singer na si Olivia Rodrigo at BTS member na si V o Kim Taehyung sa Grammy Awards 2022 ngayong Lunes, April 4.

Sa mga larawan na kumalat online, magkasama ang dalawang singer kung saan makikita ang titigan nila at paglalapit ng kanilang mga mukha habang may ibinubulong si V kay Olivia.

Mabilis na pinag-usapan sa social media ang mga larawan na ito at umani ng sari-saring reaksyon mula sa kanilang fans kabilang na ang mga Pinoy.

Sa Facebook, tila marami ang nagselos sa flirty moment na ito ng dalawa. Ang isang netizen, sama ng loob daw ang inalmusal ngayong araw nang makita ang larawan nina V at Olivia na magkasama.

Biro naman ng isang fan, uminit daw ang kanyang ulo sa selos kay Olivia.

Felt betrayed naman ang isang netizen na nagpost pa ng kanyang hinanakit sa idolong si Taehyung.

Pero kung marami ang nagselos, marami rin ang natuwa sa kilig moment nina Olivia at Taehyung.

Maging ang TV host na si Bianca Gonzalez ay kinilig din para sa dalawa.

Ang flirty moment ng dalawa ay isa lamang scripted act para sa performance ng BTS ng kanilang Grammy-nominated song na "Butter."

Samantala, wagi naman bilang Best New Artist si Olivia sa ginanap na Grammy Awards 2022.

Mas kilalanin naman ang American singer-songwriter na si Olivia sa gallery na ito: