GMA Logo Sanya Lopez
Source: sanyalopez (Instagram)
What's Hot

Sanya Lopez wows Instagram followers with her 'eme walk'

By Jimboy Napoles
Published April 8, 2022 7:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: January 1, 2026
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


Nakita n'yo na ba ang latest Instagram post ni Sanya Lopez?

Muling pinahanga ni First Lady actress Sanya Lopez ang kanyang followers sa kanyang latest Instagram video kung saan makikita ang kanyang sexy figure habang rumarampa suot ang asul na swimsuit.

Ang paandar na ito ng aktres ay tinawag niyang "eme walk."

Isang post na ibinahagi ni Sanya Lopez (@sanyalopez)

Inulan ng maraming likes at heart reactions mula sa netizens at kapwa celebrities ang video na ito ni Sanya.

Ayon sa ilang netizens, beauty queen material ang ganda at pagiging sexy ni Sanya.

"Pwede ng maging beauty queen si ate Sanya! Ganda ng Eme walk," komento ng isang fan na pinuri ang pagiging hot and fit ng aktres.

"Oh pak may hahabol pa po sa @themissuniverseph," dagdag pa ng isang fan.

Ang isa namang netizen, inugnay pa ang pagiging hot and sexy ni Sanya dahil daw sa galing mag-alaga ng ka-love team nito sa First Lady na si Gabby Concepcion.

"Baka Alagang @concepciongabby yarn," komento ng isang netizen.


Source: sanyalopez (Instagram)

Samantala, napanood naman sa episode ng First Lady noong April 6 ang trending na bikini showdown nina Sanya bilang si Melody Reyes-Acosta at Alice Dixon bilang si Ingrid kasama pa ang ilang babaeng cast.

Silipin naman ang ilan pang beauty queen material photos ni Sanya sa gallery na ito.