GMA Logo Herlene Budol
Photo source: Herlene Hipon Budol (FB)
What's Hot

Herlene 'Hipon Girl' Budol, nag-apply na sa Binibining Pilipinas 2022

By Maine Aquino
Published April 9, 2022 12:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Side-hustling Pinoys bring artists to Dubai for the holiday season
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Herlene Budol


Alamin ang mensahe ni Herlene "Hipon Girl" Budol sa supporters niya ngayong sasali na siya sa Binibining Pilipinas 2022.

Opisyal nang sumali si Herlene "Hipon Girl" Budol sa Binibining Pilipinas 2022.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Herlene ang kanyang desisyon sa pagsali. Saad niya sa kanyang caption ay ang sagot sa mga nagtatanong kung siya ba ay talagang sasali sa naturang beauty pageant.

Photo source: Facebook: Herlene Hipon Budol

Bungad ni Herlene sa kanyang photo na naka-glam makeup at nagpi-fill up ng form, "Mga KaSquammy, first tym ko ngayon mag contact lens."

Dugtong niya sa post, "Sa mga nag pm at nag tetext sa akin. Opo, totoo po mag jojoin po ako ng Binibining Pilipinas sa kasalakuyan nag fill up ako ngayon ng Official Application form ng Binibining Pilipinas!"

Hiling ni Herlene ay ang dasal ng mga supporters niya na pumasa siya sa screening ng Binibining Pilipinas.

"Ipagpray nyo ako pumasa sa screening mga Hiponatics ko ah! Love u all"

Una nang naiulat ang pagsali ni Herlene sa Binibining Pilipinas nitong April 5. Ayon sa False Positive actress, "Walang pagod at suko akong maramdaman! basta tiwala ako kay lord at well motivated ako matuto sa lahat ng bagay pinag kaloob sa akin sa itaas!"

Dugtong pa niya, "First time ko eto sasali ng national pageant sana isama n'yo ako sa mga prayers nyo mga KaHipon, KaBudol at KaSquammy! Pagmamahal at supporta n'yo palang ay malaking bagay para sa akin. Love [you] all."

Sa Binibining Pilipinas kokoronahan ang Bb. Pilipinas International, Bb. Pilipinas Globe, and Bb. Pilipinas Intercontinental.

Alamin ang ilang mga detalye tungkol kay Herlene sa gallery na ito: