GMA Logo kapuso mo jessica soho
What's Hot

Lalaking trending sa TikTok dahil sa filter, may pa-face reveal!

By EJ Chua
Published April 12, 2022 5:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos admin maintained low inflation, strong economy in 2025 – Recto
Lifestyleverse: Quick tour inside Mandarin Bay in Boracay
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

kapuso mo jessica soho


Nakaka-relate ba kayo sa usapang filter? PANOORIN ITO:

Bukod sa patok na dance covers ng celebrities, trending din sa TikTok ang isang 21-year-old na lalaki na sa kasalukuyan ay mayroon nang mahigit 340,000 followers at 4.5 million likes sa naturang video-sharing app.

Siya si Christian Cadalso, ang lalaking binansagang “Oppa” na labis na kinakikiligan ng maraming netizens dahil sa kanyang Korean looks na ipine-flex niya sa kanyang TikTok videos.

Mapapanood ang kanyang videos kung saan kitang-kita ang mapupungay niyang mga mata at nakaka-inlove na ngiti.

Ngunit ang lahat pala ng ito ay dahil pala sa paggamit niya ng filter.

Sa isang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), itinampok ang buhay ni Christian, pati na rin ang tunay niyang mukha at estado sa buhay.

Ayon sa binata, aminado naman daw siyang parang niloloko niya ang mga tao sa ipinapakita niyang ibang mukha sa TikTok. Pero naisipan niya raw na gumamit ng filter dahil karamihan ng mga tao ngayon ay sa kadalasang tumitingin sa panlabas na anyo ng isang lalaki.

“Kasi totoo naman po, almost lahat ng mga tao 'yun po ang hinahanap… kagwapuhan,” pahayag ni Christian.

Dahil sa kanyang mabilis na pagsikat, maraming nang nagpapadala ng produkto sa binata upang iendorso nito.

Paglilinaw niya, sinasabi niya ang totoo sa mga negosyanteng nagpapadala ng mensahe sa kanya para mag pa-endorso ng kanilang mga produkto.

Mayroon man siyang bashers sa social media, masaya naman ang TikTok sensation dahil mula sa kanyang mga kinikita sa page-endorso ay nakakatulong na siya sa kanyang pamilya.

Sa katunayan, nakapagpundar na rin siya ng isang sari-sari store, nakabili ng alagang baboy, at unti-unti na rin daw siyang nakakaipon.

Panoorin ang kuwento at pa-face reveal ni Christian dito:

Samantala, kilalanin ang cool celebrity moms sa TikTok sa gallery na ito: