GMA Logo Rabiya Mateo in GMA
What's Hot

Rabiya Mateo, sumabak bilang news anchor sa 'Chika Minute' ng '24 Oras'

By Dianne Mariano
Published April 12, 2022 7:25 PM PHT
Updated April 12, 2022 9:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Rabiya Mateo in GMA


Malaki ang pasasalamat ni Rabiya Mateo sa mga oportunidad na dumadating sa kanya, lalo na't opisyal na siyang parte ng Sparkle GMA Artist Center family.

Sumabak si Miss Universe Philippines 2020 at actress na si Rabiya Mateo bilang news anchor sa Chika Minute ng GMA flagship newscast na 24 Oras.

Rabiya MateoPHOTO COURTESY: rabiyamateo (IG)

Ayon sa aktres, masayang masaya siya na nabigyan ng ganitong klaseng oportunidad.

“I was very happy kasi as a person, madaldal talaga ako. And when I was having a meeting with my team, with my management under Sparkle, napag-usapan din na I really want to do hosting.

“Kaya parang a few days after noong meeting, na-pinch in na 'to na may possibility na I can do a segment for Chika Minute. Kaya hindi ko po sasayangin 'yung opportunity,” pagbabahagi niya sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Masaya rin si Rabiya dahil sa mga ibinibigay at ipinagkakatiwala sa kanya na mga oportunidad ng GMA Network. Kabilang na rin dito ang pagkakataon na maging bahagi ng Sparkle GMA Artist Center, ang talent management arm ng Kapuso network.

Aniya, “I'm happy kasi maraming opportunities 'yung binibigay sa akin ng GMA, hindi lang pagdating sa acting. Also, sinasalang nila ako sa hosting. 'Yung experience ko rin being the host of the opening ceremonies of NCAA 97.

“I feel like I'm blessed and I have so much to offer. So, mas ginaganahan talaga ako kasi malaki 'yung tiwala sa akin ng GMA.”

Isa sa mga naging preparasyon ni Rabiya para sa kanyang Chika Minute stint ay ang panonood ng mga video ni Kapuso television host at news anchor Iya Villania-Arellano.

Kuwento niya, “Nanood ako ng mga video ni Mrs. Iya Villania-Arellano para malaman ko kung paano ba 'yung kung saan magpo-pause, kung paano 'yung delivery. And siguro 'yung best talaga is to practice it. So 'yun spiel na 'binigay nila sa akin, pina-practice ko talaga siya para at least hindi siya foreign sa akin. Parang muscle memory na rin kumbaga.”

Samantala, mapapanood si Rabiya bilang Agent Asha sa series na Agimat ng Agila Season 2 sa GMA.

Mas kilalanin pa muli si Rabiya Mateo sa gallery na ito.