
Inihahandog ng GMA Network ngayong 2022 ang isa sa mga tumatak na Japanese drama manga series -- ang Gokusen.
Masusubaybayan sa seryeng ito ang kuwento ni Kumiko Yamaguchi, isang baguhan na high school teacher na na-assign sa section 3-D na binubuo ng mga pasaway at kinatatakutang estudyante.
Ngunit imbes na maging istrikta ay pawang kabutihan lamang ang ipapakita ni Kumiko sa kanyang mga mag-aaral. Ngunit ang hindi alam ng kanyang mga abusadong estudyante, sa kabila pala ng kanyang ipinapakitang kahinaan ay may nakakubling mahusay at malupit na babae mula sa pamilya ng mga Yakuza o grupo ng organisadong sindikato.
Malaman kaya ng kanyang mga estudyante ang kanyang sikreto? Hanggang saan niya kayang itago ang kanyang tunay na pagkatao kung malalagay sa alanganin ang buhay ng kanyang mga estudyante?
Ang maaksyon na kuwento ni Kumiko sa Gokusen, abangan sa GMA!