
Muling nagbabalik sa Kapuso network ang sexy comedian na si Rufa Mae Quinto.
Si Rufa Mae ay nagbalik sa GMA Network bilang bagong artista ng Sparkle GMA Artist Center.
Saad niya sa ginanap na internal press interview, na-miss niya ang buhay niya bilang artista. Ito ang nagtulak sa kaiya na balikan ang pag-aartista at pumirma ng kontrata sa Sparkle.
Photo source: @rufamaequinto
"Noong nabuo ang Sparkle, wala naman ako. Nasa US. So nagkataon, sa tingin ko kailangan ko na rin ng mag-aalaga sa akin. Kasi nagwo-world tour din ako sa USA so parang naisip ko, hindi rin madali na ikaw na artista, ikaw pa lahat, taga-alaga, basta parang na-miss ko ang showbiz."
Dugtong pa ni Rufa Mae, "Na-feel ko lang. Balik nga ako sa Philippines. For some reason gusto kong umuwi. Talagang wala akong dala basta bitbit ko 'yung anak ko (Athena). Siyempre nagpaalam naman kami."
Si Rufa Mae ay mapapanood ngayong April 23 at April 30 sa Tadhana at ito ang pagbabalik niya sa pag-arte.
Kuwento ni Rufa Mae, hindi niya inaasahang sasabak siya agad sa aktingan sa GMA at ang pagpirma niya sa Sparkle.
"Hindi ko rin inexpect 'yung acting, kasi ang quarantine ilang days. So ngayon na lumuwag luwag, kaya naging sakto lahat ng pagbabalik ko. Nagka-management, nagkaroon ng back to GMA, 'yun ang pinaka-importante, 'yung dalawang 'yun. Tapos Sparkle."
Saad pa niya, nagawa niya na ang iba't ibang mga karakter sa Kapuso network at excited siya sa mga future projects niya.
"Nag-host ako, nag-sitcom, nag-gag show, lahat na. Naging mermaid, naging Darna, nag-Marinara, nag-Bubble Gang, soap, lahat ginawa ko. So sabi ko, balik na lang ako ulit para ulitin ko ulit. Inulit lang pala," natatawang kuwento ni Rufa Mae.
Abangan si Rufa Mae sa Tadhana sa darating na April 23 at 30 sa GMA Network.
Samantala, balikan ang sexiest photos ng hot mama na si Rufa Mae dito: