GMA Logo alma concepcion and herlene budol
Image Source: alma.concepcion (IG) / herlene_budol (IG)
What's Hot

Alma Concepcion, suportado si Herlene Budol sa pagsali niya sa Bb. Pilipinas 2022

By Jansen Ramos
Published April 19, 2022 2:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together
Manon ng Katseye, ibinahaging positibo ang pakikipag-usap sa Hybe at Geffen
7 hurt after ceiling collapses at NAIA Terminal 1

Article Inside Page


Showbiz News

alma concepcion and herlene budol


“Sabi ko sa kanya, 'yung ganyang height at ganyang katawan, kumbaga 'yung bone structure n'ya, pang-pageant talaga,” pagpuri ng dating beauty queen na si Alma Concepcion sa 'False Positive' co-star niya at aspiring Bb. Pilipinas 2022 candidate na si Herlene “Hipon Girl” Budol.

Isa sa mga na-excite ang dating beauty queen na si Alma Concepcion sa pagsabak ng False Positive co-star niyang si Herlene "Hipon Girl" Budol sa Binibining Pilipinas ngayong taon.

Si Alma ay nagwagi bilang Bb. Pilipinas International noong 1994. Matapos ang 25 taon, bumalik siya sa pageantry via Ms. and Mrs. Grand Universe 2019 kung saan naiuwi niya ang titulong Ms. Grand Universe.

Ayon kay Alma, malaki ang advantage ni Herlene sa major beauty pageant dahil sa kanyang height at hubog ng katawan.

"Actually napag-usapan namin 'yan during the lock-in taping kasi sabi ko sa kanya God-given is the height and then the katawan, talagang God-given 'yon...Sabi ko sa kanya, 'yung ganyang height at ganyang katawan, kumbaga 'yung bone structure n'ya, pang-pageant talaga,” kuwento ni Alma.

"'Yung bone structure 'yung importante sa mga sasali ng beauty pageant e kasi 'yung ibang bagay madali na lang i-ehance like speech, walking, projection. 'Yung mga bagay na 'yon naaral na 'yon e.

"But if you're given a gift na physically na gano'n s'ya katangkad at gan'on kaganda ang katawan, everything madali na 'yong iba," bahagi ni Alma sa panayam ng GMANetwork.com sa media conference ng False Positive noong April 13.

Aminado si Herlene na hindi siya kagalingang magsalita ng Ingles na lenggwahe na karaniwang ginagamit sa Q & A portion ng beauty pageant kaya sinabi niyang aaralin niya ito, base sa mga nauna niyang mga panayam.

Pero pag-amin niya sa Instagram post noong April 11, wikang Filipino ang kanyang gagamitin sa kanyang pagsali sa Bb. Pilipinas.

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

Isang commitment ang pagsali sa mga beauty pageant kaya mensahe ni Alma kay Herlene, dapat aware siya sa mga bagay na dapat niyang pagtuunan ng pansin.

"Lahat naman tayo may insecurities so importante sa mga sasali ng pageants, you have to know kung saan ka weak and then 'yon na lang 'yung homework mo kasi you really have to improve everyday especially when there's a competition coming up,” payo ni Alma.

"Kumbaga 'yung mga nag-aaral para sa bar, they study. 'Yung mga nagre-review for board so they have to do their homework,” dagdag niya. "Dati kasi nagte-train ako for free sa mga gustong sumali ng pageant and I always tell them that overpreparation is better than under preparation. Syempre, sasali ka dapat ang goal mo na manalo."

Ayon pa kay Alma, dapat distinct ang magiging transformation ni Herlene pagkatapos ng kanyang training.

"'Yan 'yung mga bagay na 'di mo na mauulit, well pwede ka ulit sumali, pero itotodo mo na, sabi niya.

"Ang beauty queens din para rin kaming mga athlete, we have to train physically, mentally, spiritually, emotionally for one year or few months before the pageant...Kaya kung ano s'ya ngayon, 'yung dapat makita natin sa entablado ng Bb. Pilipinas ay talagang makikita natin na mayroong very, very significant change," pagtatapos ni Alma.

Mula sa pagiging Wowowin contestant, tunghayan ang beautiful transformation ni Herlene sa gallery na ito: