GMA Logo Vanessa Pena
What's Hot

Vanessa Peña reveals her dream role as she officially becomes part of the newest Sparkada

By Aimee Anoc
Published April 19, 2022 8:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipinas escape Thailand, advance to SEA Games women’s football gold medal match
Iloilo Capitol workers to get at least P50,000 bonus
Marian Rivera brings Italian designer bag to Kiray Celis and Stephan Estopia's wedding

Article Inside Page


Showbiz News

Vanessa Pena


Isa si Vanessa Pena sa 17 young artists na ni-launch ng Sparkle GMA Artist Center kamakailan.

Masayang ibinahagi ni Vanessa Peña ang excitement na nararamdaman para sa kanyang showbiz career ngayong opisyal na siyang parte ng Sparkada.

Ang Sparkada ay binubuo ng 17 young artists na handpicked ng acclaimed star maker na si Mr. M at ni-launch ng GMA Artist Center kamakailan.

Sa kauna-unahang media interview ng Sparkada, sinabi ni Vanessa na ang mga pinagdaanan niya sa buhay ang nagbibigay sa kanya ng lakas para tuparin ang mga pangarap.

"Ako po 'yung strength ko po sa pag-acting is syempre po 'yung naranasan ko, 'yung journey ko po bago ako mapunta rito, iyon po ang nagbibigay sa akin ng lakas," kuwento niya.

Dagdag ni Vanessa, "And of course 'yung mommy ko po, gustong-gusto niya po talaga na nakikita niya ako sa tv na nagpe-perform, umaarte. Kapag nakikita ko po siya sobrang saya ko,"

Sa interview, ibinahagi rin ni Vanessa ang pangarap na role bilang isang aktres.

"'Yung role po na [gusto ko] is 'yung inaapi. Gusto ko po 'yung parang sasampal-sampalin po ako. Gusto ko po 'yung mga api," pagbabahagi niya.

Patuloy na mapapanood si Vanessa sa GMA Primetime series na Widows' Web bilang si Nikki Suarez, ang malapit na kaibigan ni Jed Sagrado-Dee na ginagampanan naman ni Anjay Anson.

Samantala, mas kilalanin ang Sparkada artists sa gallery na ito: