GMA Logo Tanya Ramos and Wendell Ramos
What's Hot

Tanya Ramos says her father Wendell Ramos influenced her to enter showbiz

By Dianne Mariano
Published April 20, 2022 5:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

Tanya Ramos and Wendell Ramos


Ang anak ni seasoned actor Wendell Ramos na si Tanya Ramos ay isa sa 17 young and fresh faces ng newly launched na Sparkada.

Kabilang ang newbie Kapuso teen star na si Tanya Ramos sa Sparkada na ni-launch ng Sparkle GMA Artist Center kamakailan.

PHOTO COURTESY tanyasabelramos IG

Isa ang aktres sa 17 young and fresh faces ng Sparkada na handpicked ng renowned star maker na si Johnny “Mr. M” Manahan.

Sa kauna-unahang media conference ng Sparkada kahapon, April 19, ibinahagi ng aktres na naka-impluwensya sa pagpasok niya sa showbiz ang amang si Wendell Ramos.

“I can say po na my dad influenced me talaga to enter showbiz pero ang sinabi niya po sa akin is nasa sa akin po 'yung desisyon. Pero kinuha ko po 'yung opportunity na 'yon,” sagot niya.

Ibinahagi rin ni Tanya ang showbiz advice na nakuha niya mula sa kanyang celebrity dad. Aniya, “Advice niya po sa akin is that always take my work seriously if I want my career to last. So hanggang ngayon, 'yun po 'yung pumapasok sa isip ko wherever I go, especially when he's not around.”

Bukod sa teen star, kabilang din sa Sparkada ang kanyang kapatid na si Saviour Ramos, na kasalukuyang nasa lock-in taping para sa upcoming mini-series na Raya Sirena.

Samantala, nakatanggap din si Widows' Web actor Anjay Anson ng showbiz advice mula kay Wendell, na aniya'y malapit na kaibigan ng kanyang pamilya.

Kuwento ng actor-model, “Ang pinaka-inspirational na sinabi sa akin ni Mr. Wendell Ramos, actually family friend din namin siya, always be humble and always put your feet on the ground. Kahit gaano ka pa sumikat dapat palagi kang humble.”

Ang iba pang bumubuo ng Sparkada ay sina Roxie Smith, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales, Lauren King, Vanessa Peña, Caitlyn Stave, Dilek Montemayor, Jeff Moses, Kim Perez, Raheel Bhyria, Sean Lucas, Michael Sager, Vince Maristela, at Larkin Castor.

Kilalanin ang mga miyembro ng Sparkada sa gallery sa ibaba.