
Ibinahagi ng acclaimed star maker na si Johnny “Mr. M” Manahan na mayroon nang nakahandang mga proyekto para sa pinakabagong Kapuso youth-oriented group na Sparkada.
yon sa “Chika Minute” report ni Nelson Canlas ng 24 Oras, halos handa na raw ang new Sparkle talents para sumabak sa kanilang unang entertainment projects.
Pagbabahagi naman ni Mr. M, “One half of them are already casted in a new show which they are preparing. So, I think in three or four months time, ilo-launch na 'yung show na 'yon.
“After that, 'yung natitirang mga lalaki at babae, mayroon pang isang show.”
Dagdag pa niya, “Something I learned here in GMA, mas mabilis kayo na gumawa ng gano'n 'yung may abang na. They are undergoing workshops right now.”
Samantala, pormal nang ipinakilala ang Sparkada sa ilang miyembro ng press sa ginanap na media conference noong Martes (April 19).
Ang bagong youth-oriented group na ito ay binubuo ng 17 young and fresh faces na sina Saviour Ramos, Anjay Anson, Michael Sager, Kim Perez, Vince Maristela, Raheel Bhyria, Larkin Castor, Jeff Moses, Sean Lucas, Roxie Smith, Cheska Fausto, Vanessa Peña, Tanya Ramos, Kirsten Gonzales, Caitlyn Stave, Dilek Montemayor, at Lauren King.
Ang 17 young stars ng Sparkada ay handpicked ni Mr. M dahil sa kanilang makukulay na background at potensyal na maging susunod na big stars sa showbiz industry.
Kilalanin ang Sparkada sa gallery na ito: