GMA Logo Zoren Legaspi
What's Hot

Zoren Legaspi, may new look bilang Cesar sa 'Apoy sa Langit'

By Maine Aquino
Published April 21, 2022 11:01 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Zoren Legaspi


May pasilip ni Zoren Legaspi sa kaniyang karakter na Cesar sa GMA Afternoon Prime na 'Apoy sa Langit'

Mapapanood na si Zoren Legaspi sa bagong summer offering ng GMA Afternoon Prime na Apoy sa Langit.

Ang Kapuso actor ay gaganap bilang si Cesar sa pinakamainit na handog ng GMA Network ngayong summer 2022. Makakasama ni Zoren sa Apoy sa Langit sina Maricel Laxa-Pangilinan, Mikee Quintos, at Lianne Valentin.


Sa kaniyang Instagram posts, ipinakita ni Zoren ang kaniyang sexy new look bilang si Cesar. Kabilang din dito ay ang behind-the-scenes photos nila sa Apoy sa Langit. Saad ng aktor, "Abangan 'Apoy sa langit' #gmadrama."

A post shared by zoren_legaspi (@zoren_legaspi)


Si Cesar (Zoren) ay ang dating furniture contractor ng pumanaw na asawa ni Gemma (Maricel). Ayon sa isang post ni Zoren, "abangan this guy…Cesar sa #apoysalangit @gmadrama."

A post shared by zoren_legaspi (@zoren_legaspi)


Bukod sa kaniyang karakter, ipinakita rin ni Zoren ang behind-the-scenes video niya sa lock-in taping ng Apoy sa Langit.

A post shared by zoren_legaspi (@zoren_legaspi)


Abangan ang Apoy sa Langit ngayong darating na May 2 sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, silipin ang ilang mga eksena sa lock-in taping ng Apoy sa Langit dito: