
Ngayong opisyal nang parte ng Sparkada, nais ng newbie artist na si Kim Perez na makilala bilang isang mahusay na aktor.
Ang Sparkada ay binubuo ng 17 young artists na handpicked ng acclaimed star maker na si Mr. M at ni-launch ng Sparkle GMA Artist Center.
Ayon kay Kim, nagkaroon siya ng inspirasyon na maging isang aktor dahil sa award-winning actor na si John Lloyd Cruz.
"Gusto ko po talaga na mas makilala po ako sa acting kasi pesonally idol ko po si Sir John Lloyd Cruz po," sabi niya.
Dagdag ni Kim, "Sobrang namamangha ako sa pag-acting n'ya, napaka-convincing, napakagaling niya umarte. Halos lahat po ng movie niya blockbuster. Talagang ina-admire ko siya sa pag-acting. Doon po ako talaga na-inspire na sa acting din makilala."
Bukod sa pag-arte, gusto ring magbigay inspirasyon ni Kim gamit ang talento sa pagkanta at pagsayaw.
"At siyempre gusto ko rin po na maipakita 'yung skills ko sa pagkanta, pagsayaw. Sa hosting din po kung papalarin din po kung mabibigyan po ako ng chance na makapag-workshop," pagbabahagi ni Kim.
Dahil bago pa lamang sa industriya, ibinahagi ni Kim na marami pa siyang dapat na matutunan.
Samantala, kilalanin ang iba pang Sparkada artist sa gallery na ito: