
Ang newbie Sparkle artists na sina Cheska Fausto at Sean Lucas ay mga miyembro ng newest youth-oriented group ng Kapuso Network na Sparkada, na pormal nang ipinakilala sa ilang miyembro ng press noong April 19.
PHOTO COURTESY: thatscheskaaa and seanlucas__ (IG)
Sa ginanap na media conference noong April 19, ibinahagi nina Cheska at Sean ang kanilang mga naging preparasyon bago sila ini-launch sa Sparkada.
Ayon sa Zamboangueña beauty, halos araw-araw silang sumailalim sa intensive training at workshops bilang paghahanda.
Aniya, “Bago po kasi kami ni-launch, we really went on an intensive training po talaga. Halos every single day, nagwo-workshop po kami sa acting, singing, dancing, and even in communications kasi meron sa amin na nag-e-English talaga lagi so kailangan namin matutong mag-Tagalog talaga.”
Dagdag pa aktres, “Salamat sa Sparkle GMA Artist Center, and of course, sa talent development teams for giving us the workshops dahil kailangan po talaga namin 'yon para mas prepared pa po kami or mas handa kami para sa inyo pong lahat.”
Para naman kay Sean, parte rin ng kanilang preparasyon ang pagkakaroon ng tamang mindset.
“Siguro po 'yung underrated pa is 'yung preparation mentally, to put us in the right mindset kasi ang dami pang gagawin. Kung tutuusin lang kasi napakabilis ng pangyayari, napaka-overwhelming ng feelings. S'yempre nakatulong din 'yung Sparkle GMA Artist Center for putting us in the right mindset and magandang mental health lang,” sagot niya.
Bukod kina Cheska at Sean, kabilang din sa Sparkada sina Saviour Ramos, Roxie Smith, Jeff Moses, Caitlyn Stave, Kim Perez, Tanya Ramos, Raheel Bhyria, Kirsten Gonzales, Larkin Castor, Vanessa Peña, Anjay Anson, Dilek Montemayor, Michael Sager, Lauren King, at Vince Maristela.
Kilalanin ang miyembro ng Sparkada sa gallery na ito: