
Matagal nang walang maayos na trabaho si Arrian Labios, 48, dahil sa pandemya at lumalabo niyang mga mata.
Extra noon sa mga pelikula at telebisyon si Arrian pero simula nang magkapandemya ay naging matumal na ang mga raket nito. Naging limitado na rin ang role na ibinibigay sa kanya dahil sa lumalabo niyang mga mata, na aniya kapag hindi naagapan ay maaaring mauwi sa pagkabulag.
Para may maipakain sa pamilya, naisipan ni Arrian na tumugtog sa social media pero hindi pa rin ito sapat dahil madalas na wala namang pumapansin sa kanya.
Ngayon, ang tanging hiling ni Arrian ay maipagamot ang kanyang mga mata para maipagpatuloy niya ang pag-arte at tulong para sa pag-aaral ng kanyang tatlong anak sa Antipolo, Rizal.
Kaya naman ang #InstantWish ni Arrian agad na binigyang katuparan ng Wish Ko Lang at ng Fairy Godmother na si Vicky Morales.
Handog ng programa ang Wish Ko Lang savings para makatulong kay Arrian at sa kanyang pamilya.
Tulad ni Arrian, may #InstantWish ka rin ba na gustong matupad?
Abangan kung kaninong #InstantWish ang susunod na bibigyang katuparan ng Wish Ko Lang.
Samantala, tingnan ang top 10 most viewed episodes ng Wish Ko Lang sa gallery na ito: