
Walang itulak kabigin ang seasoned comedian na si Mike “Pekto” Nacua sa mga ginagawang sitcom at comedy programs ng Kapuso Network at partners nito tulad na lang ng APT Entertainment.
Makailang beses na rin pinatunayan ng komedyante ang husay nito sa pagpapatawa ng mapasama sa mga shows tulad na lang ng Nuts Entertainment, Bahay Mo Ba 'To?, Show Me da Manny, Ismol Family, at Sunday PinaSaya.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, inilahad ni kay Pekto ang obserbasyon niiya kung bakit patok ang mga sitcom ng GMA Network.
Aniya, “Na-foresee ko sa GMA sitcoms na talagang quality talaga 'yung mga sitcom na ginagawa natin. And, dito tayo magaling!
“Maraming followers ang mga sitcoms ng GMA, even 'yung mga luma. 'Pag ako lumalabas ako ng bahay, binabanggit pa nila sa akin 'yun. Bakit Nawala? Sayang naman 'yung ganitong show 'yung Bahay Mo Ba 'To? lalo na 'yun, sobrang grabe 'yun! Kahit saan ako pumunta, Bahay Mo Ba 'To binabanggit nila sa akin. Bakit hindi n'yo ibalik 'yun, may mga ganun, e.
“Maganda 'yung mga ginagawang sitcoms, hayaan nila marami pang darating [tulad ng] Jose and Maria's Bonggang Villa.”
Mapapanood uli natin si Pekto sa isang primetime sitcom and this time makakasama niya ang Kapuso Primetime couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Jose and Maria's Bonggang Villa.
Tampok din sa big project na ito sina Shamaine Buencamino, Johnny Revilla, Pinky Amador, at Benjie Paras.
Maghahatid din ng saya sa mga televiewers sina Loujude, Hershey Neri, at ang Sparkle loveteam na sina Jamir Zabarte at Zonia Mejia.
Kuwento ni Pekto sa GMANetwork.com, tuwang-tuwa siya nang malaman niyang kasama siya sa highly-anticipated sitcom ng DongYan.
Aniya, “First of all, nung nalaman ko na magkakaroon uli ng sitcom sa GMA, siyempre, masayang masaya ako, dahil matagal na nawala, e. Nung nalaman ko, siyempre, tuwang-tuwa ako and si Yan-yan [Marian] pa 'yung makakasama ko and si Dingdong. Of course, I'm so happy makakasama ko sila.
“Although, nagkasama na kami ni Marian sa dating sitcom and si Dong naman sa mga teleserye shows. Pero itong sitcom na 'to, e, talagang excited ako, kasi DongYan.”
Heto ang pasilip sa preparation ng cast at crew para sa Jose and Maria's Bonggang Villa: