
Masaya at excited ang social media star na si Christian Antolin na mapasama sa magagaling na cast ng "Buboy Aso" episode ng Wish Ko Lang na mapapanood ngayong Sabado sa GMA.
Nagsimulang makilala si Christian sa mga nakaka-good vibes niyang videos sa social media tulad na lamang ng prank call sa kanyang ina na "Confirmed daw ma na SexBomb Dancer ako" na talaga namang kinagiliwan ng netizens.
Naging hit din sa netizens ang "ZoomHub Sessions" ni Christian kung saan ginagawa niyang katawa-tawa ang mga nagba-viral na videos. Madalas din niyang i-feature dito ang sikat na videos ni Ms Everything.
Kasalukuyang mayroong mahigit 2.4 million followers at 30.1 million likes sa TikTok, at 3.4 million followers sa Facebook si Christian.
Mapapanood si Christian sa "Buboy Aso" episode ng Wish Ko Lang bilang si Lydia, ang matalik na kaibigan ni Buboy na ginagampanan ni Buboy Villar.
Makakasama rin nina Christian at Buboy sa episode na ito sina Elle Ramirez, Anjo Damiles, Dentrix Ponce, M-Zhayt at Alener Ferrer.
Huwag palampasin ang nakaaantig na kuwento ng "Buboy Aso" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinotv.com.
Samantala, kilalanin ang iba pang social media star sa gallery na ito: