GMA Logo Rocco Nacino
What's Hot

EXCLUSIVE: Bakit kinabahan si Rocco Nacino nang malamang magiging daddy na siya?

By Aedrianne Acar
Published May 7, 2022 6:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Noel Bazaar offers local products for Christmas gift shoppers
Pipila ka mga Vendors sa Pabuto, Namaligya Gihapon Duol sa mga Panimay | Balitang Bisdak
Farm To Table: Magpapasko na, food explorers!

Article Inside Page


Showbiz News

Rocco Nacino


Kapuso actor na si Rocco Nacino on having a baby: “Super takot”

Matapos ang big announcement ng First Lady actor na si Rocco Nacino at volleyball star na si Melissa Gohing kahapon, May 6, na magiging magulang na sila, eksklusibong nakapanayam ng GMANetwork.com ang showbiz couple kung saan nagbahagi sila ng kanilang kuwento nila sa tungkol bagong blessing na ito sa kanilang buhay.

Pag-amin ni Rocco, nakaramdam daw siya ng kaba sa bagong yugto na ito ng kanilang pagsasama ni Melissa.

Paliwanag niya, “Super takot. Ang tagal [and] ang laki ng naging growth ko muna bago ko naisip na hmm, ready na kayo ako maging daddy?”

“I mean from getting married pa lang and now expecting a baby parang ang layo ng gap ng growth ko noon. It was really time for us, kasi nagla-lambing na rin parents namin and we really want to have a family also. Si Mel din, pangarap din niya magkaroon ng family.”

Isang post na ibinahagi ni Melissa Gohing Nacino (@gohingmelissa)

Pagpapatuloy ng Kapuso actor, “So, when it happened, ibang klase kasing kaba, kasi malayo kami sa isa't isa and nagtatrabaho ako noon, 'e. Nandoon ang stress and kaya nakukuwento namin sa vlog namin na for a while nahirapan kami, kasi nga she was working a lot, I was working a lot also.

“Hindi agad-agad dumating 'yung blessing, so we had to talk to a lot of people and get into the right state of mind. Kaya nagpahinga kami, nag-beach muna kami.”

Tinawag din ni Rocco na isang “challenge” ito pero marami silang natutunan ng kaniyang misis sa isa't isa.

Aniya, “Naging nervous ako kasi nung time na gusto ko, gusto na namin magkaroon ng family, hindi pala siya ganun kadali. So, may challenge siya, pero it's a fun challenge for the both of us, kasi marami kami natutunan sa isa't isa sa ganitong stage ng buhay namin.”

Ikinasal sina Rocco at Melissa noong January 2021 at nagsimula silang mag-date taong 2017.