GMA Logo Rocco Nacino and Melissa Gohing
What's Hot

Rocco Nacino, may hula na sa gender ni Baby N

By Aimee Anoc
Published May 7, 2022 7:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Rocco Nacino and Melissa Gohing


May kanya-kanya nang hula sina Rocco Nacino at Melissa Gohing sa magiging kasarian ng kanilang anak.

Masayang ibinalita noong Biyernes, May 6, nina Rocco Nacino at Melissa Gohing na magkakaroon na sila ng anak.

Sa interview sa GMANetwork.com, natatawang ikinuwento ni Rocco na mayroon na silang "pustahan" ni Melissa sa magiging kasarian ng kanilang anak.

Ayon kay Rocco, sa tingin niya ay magiging babae ang anak nila ni Melissa.

Baby Nacino

"Nagpustahan na nga kami, hindi lang wish. Nagpustahan kami kung boy or girl. I think si Baby Nacino ay girl, si [Melissa] feeling n'ya boy," kuwento ng aktor.

Para naman kay Melissa, pakiramdam niya ay baby boy ang kanilang magiging anak dahil sa "signs" na nakikita niya sa kanyang pagbubuntis.

"Kasi 'di ba hindi ako palaging palaayos before. Tapos nagmamanas ako. Sabi nila 'pag boy 'di ba mas manas ka. Tapos 'yung signs na mangingitim daw 'yung kili-kili, leeg, boy daw. Parang lahat ng signs na 'yun mayroon ako. So feeling ko boy," sabi ni Melissa.

Ibinahagi rin ni Melissa ang nakatatawang kuwento tungkol sa "pustahan" ni Rocco at ng ama nito.

"Yung funny na pustahan is that 'yung dad niya pinusta boy raw. Tapos kapag hindi raw boy siya raw magko-cover [ng expenses]," natatawang kuwento ni Melissa.

Baby Nacino


Sa ngayon, excited na sina Rocco at Melissa sa pagdating ni Baby Nacino kahit na ano pa ang maging kasarian nito.

May naisip na rin daw ang mag-asawa na pangalan ng kanilang magiging anak. Ani Rocco, "May mga naka-save na. And we look for names na malapit sa word na faith and kindness kasi there were struggles for us kaya noong talagang pinanindigan namin 'yung faith namin doon kami nagkaroon ng blessings. So we want to associate our babies' name with faith."

Samantala, tingnan ang sweetest photos nina Rocco Nacino at Melissa Gohing sa gallery na ito: