
Handa nang maghatid ng excitement tuwing hapon ang isa sa pinakamalaking Thai revenge drama series na Man of Vengeance.
https://www.gmanetwork.com/entertainment/tag/man_of_vengeance
Pinagbibidahan ang seryeng ito nina Tor Thanapob Leeluttanakajorn (Roy/Mico), Fern Nopjira Lerkkajornnamkul (Thea), Typhoon Kanokchat Munyadon (Gerry), Wattanajinda Sirapan (Eva), at Ann Siriam Pakdeedumrongrit (Sylvia).
Makakakasama rin ni Roy sina Nicky Nachat Juntapun, Ben Raviyanun Takerd, Oom Sakaojai Poonsawatd, at Tom Phollawat Manuprasert.
Magsisimula ang kuwento ng Man of Vengeance sa pagtira ni Roy sa pamilya ng kanyang ama matapos na pumanaw ang ina. Dahil anak sa labas, kailanman ay hindi naging maganda ang trato kay Roy ng stepmom at stepbrother nito.
Ang tanging naging karamay lamang niya ay ang kapitbahay na si Thea, na katulad niya ay hindi rin nakaranas ng pagmamahal mula sa ina at kapatid.
Tuluyang magbabago ang buhay ni Roy nang masangkot sa isang aksidente at inakalang patay na ng lahat. Matapos ang pangyayaring ito, nabuhay si Roy sa alyas na Mico para sa isang malaking paghihiganti.
Subaybayan ang Man of Vengeance, Lunes hanggang Biyernes, 5 p.m. sa GMA.
Samantala, tingnan ang Thai stars na napanood na sa GMA heart of Asia sa gallery na ito: