GMA Logo Claire Castro
Photo by: Wish Ko Lang
What's Hot

Claire Castro, mapangahas ang mga gagawing eksena sa 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published May 12, 2022 8:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Suansing: P10-billion budget hike for House for members’ personnel, office needs
Family seeks justice after child killed in Dagupan explosion
P-pop boy group VXON announces first concert

Article Inside Page


Showbiz News

Claire Castro


Abangan sina Claire Castro, Mickey Ferriols, Allen Dizon, JC Tan, Kim Perez, Queen Dura, at Kyla Ruiz ngayong Sabado sa 'Wish Ko Lang.'

Ngayong Sabado, bibigyang buhay ni Claire Castro ang kuwento ni Jenny, isang mabait at matulungin na anak na naging biktima ng pamboboso ng sariling ama sa "Boso" episode ng Wish Ko Lang.

Simula nang makulong ang asawa, binuhay na ni Vilma (Mickey Ferriols) ang anak na si Jenny nang mag-isa. Tinutulungan din si Vilma ng kanyang unica hija sa paglalako ng mga panindang ulam.

Pero muling nagbalik sa buhay nila ang mister na si Dolfo (Allen Dizon) matapos na makalaya mula sa pagkakakulong. Tuluyan na nga ba itong nagbagong buhay o muling manggugulo sa buhay nilang mag-ina?

Makakasama rin nina Claire, Mickey, at Allen sa episode na ito sina JC Tan, Kim Perez, Queen Dura, at Kyla Ruiz Garcia.

Huwag palampasin ang mabibigat na mga tagpo ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

Samantala, mas kilalanin pa si Claire Castro sa gallery na ito: