What's Hot

Andrea Torres at cast and crew ng international film na 'Pasional,' nakabalik na sa Maynila

By Marah Ruiz
Published May 13, 2022 11:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Andrea Torres Pasional


Natapos na ni Andrea Torres at ng cast and crew ng international movie na 'Pasional' ang filming nila sa Caramoan at Coron.

Nasa Maynila na si Andrea Torres, pati na ang cast at crew ng international movie niyang Pasional.

Natapos na kasi nila ang filming ng mga eksena ng pelikula sa Caramoan, Camarines Sur at Coron, Palawan.

Isang May-December love story ang kuwento ng Pasional kung saan gumaganap si Andrea bilang isang tango dancer.

Katambal niya dito ang beteranong aktor na si Marcelo Melingo na mula sa Argentina.

Andrea Torres and Marcelo Melingo


Masaya daw si Andrea na may instant connection sila ng co-actor.

"May connection kami agad-agad. Doon ako very grateful kasi at least hindi na kailangan trabahuhin masyado," pahayag ni Andrea.

Marami din daw siyang natutunan mula kay Marcelo.

"Tinuturan niya ko mag-Spanish. Very strict siya magturo. Kailangan talagang tama 'yung pronunciation. Mayroon akong naalala na line. 'Poquito pero entiendo bien.' 'Pag tinanong daw ako kung marunong ka bang mag-Spanish. 'Konti lang pero nakakintindi ako,'" kuwento ng aktres.

Ang Pasional ay collaboration ng Malevo Films, GMA Network, Maxione Productions, Stagecraft International at Signature Films.

Nakatakda itong ipalabas sa Pilipinas, Argentina at sa iba pang bansa.

Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.

Samantala, silipin ang filming ng Pasional sa Pilipinas sa gallery na ito: