GMA Logo glaiza de castro and sanya lopez tiktok live
What's Hot

Sanya Lopez at Glaiza De Castro, makikipag-chikahan live sa TikTok sa May 16

By Jansen Ramos
Published May 13, 2022 6:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump brands fentanyl a ‘weapon of mass destruction’ in drug war escalation
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

glaiza de castro and sanya lopez tiktok live


Abangan ang live online chikahan ng mga misis ng GMA Telebabad na sina Sanya Lopez at Glaiza De Castro ngayong Lunes, May 16, sa official TikTok account ng GMA Network.

“Encantadiks,” magdiwang!

Muling magsasama ang Encantadia Sang'gres na sina Sanya Lopez at Glaiza De Castro na nakilala sa kanilang mga fictional characters sa serye na Pirena at Danaya. Ito ay para sa isang live TikTok session sa Lunes, May 16.

Napapanood ngayon sina Sanya at Glaiza bilang mga misis ng primetime. Lumalabas si Sanya bilang Melody na maybahay ni Pangulong Glenn Acosta sa First Lady, samantalang ginagampanan naman ni Glaiza ang papel na career woman-turned-housewife na si Yannie sa False Positive.

Magsasanib-pwersa ang dalawa para sa isang online kwentuhan na mapapanood sa TikTok account ng GMA Network sa ganap na alas sais ng gabi sa darating na Lunes.

Samantala, para dere-deretso ang inyong online viewing, maaaring mapanood ang na-miss ninyong episodes ng First Lady at False Positive sa GMANetwork.com o GMA Network app.

Mapapanood ang First Lady weekdays pagkatapos ng 24 Oras. Susundan naman ang serye ng False Positive na ipinapalabas sa ganap na 8:50 ng gabi sa GMA Telebabad.