
Isa si Asia's Multimedia Star Alden Richards sa mga nag-auditon noon sa ikalimang season ng StarStruck.
Sa podcast interview kay Nelson Canlas, binalikan ng aktor ang hirap na pinagdaanan bago maging isang artista.
Kuwento ni Alden, nakasama niya noon sa audition sa StarStruck si Rocco Nacino at pinahiram pa niya ito ng puting shirt.
"'Yun nakakausap-usap ko na si Rocco noon tapos si Sarah Lahbati. Also parang mayroon na kaming small group at that time noong nasa top 100 pa lang kami," sabi ng aktor.
Dagdag niya, "'Yun na nung sabing 'Okay ito na 'yung top 60,' labas sila ng list. Offline 'yun, hindi siya tini-televise. 'O kailangan 'yung mga top 60 magpalit na ng white t-shirt. E may print. So sabi ko, 'Rocco may extra shirt ako hiramin mo na lang.
"Top 60 kami, ito na 'yung tinelevised. Isa-isa 'yun. Parang congratulations or thank you, 'yun lang 'yung dalawang words na maririnig mo. Kasi 60 kami so feeling ko nasa mga pang-24th, 26th or 25th name 'yung natawag sa akin.
"Sabi ko 'Lord,' parang iba 'yung kaba ko noon. Parang sabi ko kung congratulations sobrang worth it lahat ng pagod tapos kung hindi naman hindi ko pa alam. Kasi when you're in that situation siyempre ang gusto mo talaga pasok ka. Siyempre when you're exerting effort into something you expect something in return, a reward."
Ayon kay Alden, para lamang makapunta ng Maynila noon, nagko-commute o nagre-rent sila ng sasakyan mula Laguna.
"Wala naman akong pambayad noon. Ginagawan lang talaga ng paraan para makapag-sustain kami ng travel papuntang Manila. Kasi nga probinsyano ako," sabi niya.
Kaya naman masakit para sa aktor na sa kabila ng lahat ng hirap at pagsisikap ay hindi pa rin siya pinalad na makapasok sa StarStruck.
"Ayun na tinawag na, 'Thank you.' Ang sakit-sakit nung vow na 'yun. Kitang-kita mo sa mukha ko na I was disappointed. Sobrang nasaktan ako noong time na 'yun kasi sometimes hindi pa tama 'yung oras. Ako naniniwala ako sa tamang timing, sa pasensya. Pero that time hindi pa masyadong malinaw sa akin 'yung konsepto ng parang 'Try, you fail, and then try again the next time, fail na naman.'
"Hindi siya malinaw sa akin kasi ang point of view ko lang noon, ang perspective was sa lahat ng mga bagay na pinaghihirapan ko, I want to be successful. Pero unfortunately I was so young and parang masyado pa akong oblivious with the facts na hindi ganoon kadali ang lahat," kuwento ng aktor.
Dahil sa pagkabigo, halos sumuko na rin daw ang aktor sa pag-aartista. Aniya, "Ayoko na. Ayoko na noon. Kasi ilang beses na akong um-absent sa school that time, ilang beses na akong pina-priority ko itong bagay na ito over anything--family gathering, birthday, attendance sa school. Ganoon ko siya kagusto kasi we're in need of financial aid.
"Na feeling ko pag-aartista 'yung makakasagot. Need na siya. Wala pa 'yung passion doon na gusto kong mag-artista kasi gusto kong maging aktor, gusto kong maka-inspire ng maraming tao. Wala pa 'yung konsepto nun noong time na 'yun. It's just about the money. Real talk lang, 'yun talaga siya.
Please embed: Photo 2
Para kay Alden, ang "priority" niya noong panahon na iyon ay ang makatulong sa kanyang pamilya matapos na pumanaw ang ina.
"'Yun 'yung priority that time kasi nga when my mom passed away, my dad had to resign from his job for 10 years to get the severance pay to pay for the funeral and kung ano-ano pang gastos that time."
Pakinggan ang buong interview ni Alden Richards sa 'Updated with Nelson Canlas' dito:
Samantala, mas kilalanin pa si Asia's Multimedia Star Alden Richards sa gallery na ito: