GMA Logo Ken Chan
What's Hot

Ken Chan, may chance bang bitawan ang showbiz dahil sa mga negosyo?

By Aimee Anoc
Published May 14, 2022 4:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Family clock cleaned in time for Rizal Day
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Ken Chan


Ngayong abala na si Ken Chan sa kanyang mga negosyo, pumapasok na ba sa kanyang isip na iwan na ang showbiz?

Mahigit isang dekada nang nagbibigay inspirasyon bilang isang aktor si Ken Chan.

Pero bukod sa pagiging aktor, abala rin si Ken bilang isang businessman. Sa katunayan ay isang buwan pa lamang ang nakalilipas nang buksan ang ikalawang branch ng kanilang Cafe Claus sa Promenade Greenhills.

Sa isang eksklusibong interview, ibinahagi ni Ken ang mga gusto niya pang maabot sa buhay.

Ken Chan

"To be honest, ang ipinagdarasal ko lang naman sa Panginoon ay sana tumagal pa ako sa showbiz. Sana tumagal pa ako sa industriya natin, 'yun lang naman talaga ang gusto ko kasi nag-e-enjoy talaga ako at dito talaga 'yung passion ko sa pag-arte," sabi ng aktor.

Ayon kay Ken, kahit na anong negosyo pa ang dumating sa kanya ay hindi niya bibitawan ang showbiz.

"Na-realize ko nga noong nagkaroon ako ng businesses, na kahit na anong business ang dumating sa akin, normally kasi ang isang tao kapag nakahanap na ng business niya at alam niyang stable na ito pwede niya nang bitawan 'yung isa.

"Pero kasi ako na-realize ko na hindi ko kayang bitawan ang showbiz dahil sobrang napamahal sa akin ang trabaho ko. Napamahal sa akin ang mga katrabaho ko, 'yung mga nakasama kong co-actors, 'yung mga staff. Iyan 'yung naging mundo ko na. At kung papalarin sana makasama ko sila sa matagal na panahon," pagbabahagi ni Ken.

Hiling din ngayon ni Ken sa kanyang showbiz career ang makagawa ng marami pang proyekto na makapagbibigay inspirasyon sa manonood.

"Sana makagawa pa ako ng maraming proyekto sa GMA-7, ng mga teleserye na mapapa-inspire ko ulit 'yung maraming tao. Mga teleseryeng marami silang matututunan. Sana makagawa pa ako ng mga pelikula na makaka-relate 'yung mga Kapuso viewers natin.

"Sana makagawa pa ako ng maraming kanta mula sa GMA Music. Sana marami pa akong taong matulungan pa dahil sa business na ginagawa ko ngayon, itong Cafe Claus. At sana dumami pa ang branches ng Cafe Claus," sabi ni Ken.

Samantala, kasalukuyang napapanood si Ken bilang si Richard sa rom-com series na Mano Po Legacy: Her Big Boss ksama sina Bianca Umali at Kelvin Miranda.

Noong April 26, inilabas na ang pinakabagong single ni Ken sa ilalim ng GMA Music, ang "Quaranfling" na agad na napasama sa top 5 ng iTunes Philippines.

Mas kilalanin pa si Kapuso actor Ken Chan sa gallery na ito: