
Simula nang maisilang, na-diagnosed si Angel Jade Alindajao na may cerebral palsy dahilan para hindi ito makatayo at makalakad.
Pero kahit na may kapansanan, hindi ito hadlang kay Angel para makapag-aral.
Sa tulong ng kanyang wheelchair na nagsilbi niyang mga paa, nagsisikap si Angel na makapagtapos ng pag-aaral.
Hindi naman pinababayaan si Angel ng kanyang ina na palaging naririyan para sa kanya simula pre-school hanggang makapagtapos ng high school.
Sa edad na 19, nasa first year college na si Angel sa kursong Bachelor of Science in Information Technology sa Sumadat, Dumalinao, Zamboanga del Sur.
Ngayong nasa kolehiyo, ang tanging hiling ni Angel ay magkaroon ng bagong laptop na magagamit niya sa pag-aaral.
Kaya naman ang #InstantWish ni Angel agad na binigyang katuparan ng Wish Ko Lang at ng Fairy Godmother na si Vicky Morales.
Handog ng programa ang Wish Ko Lang savings para makatulong sa pag-aaral ni Angel.
Tulad ni Angel, may #InstantWish ka rin bang gustong matupad?
Abangan kung kaninong #InstantWish ang susunod na bibigyang katuparan ng Wish Ko Lang.
Samantala, tingnan ang top 10 most viewed episodes ng Wish Ko Lang sa gallery na ito: